Tuesday, 20 September 2011

Zamboanga City Short Stay

Santa Cruz Island | Zamboanga City
Ang mga ngalang The Pride of Mindanao, City of Flowers, Zamboanga Hermosa at Ciudad Latina de Asia o Asia’s Latin City ay mga sikat na bansag sa lungsod ng Zamboanga. Ang Zamboanga ay isang lungsod sa rehiyon ng Tangway ng Zamboanga ng Pilipipinas. Kilala rin ito bilang pang-anim na pinakamataong siyudad at siya ring pangatlong may pinakamalawak na lupain sa bansang Pilipinas. Ang pangalang Zamboanga ay hango sa wikang Subanen na ibig sabihin ay “sabuan”, at sa wikang Malay na “jambangan” ibig sabihin naman nito ay daungan ng mga bulaklak. Dati itong naging kabisera ng Moro Island, ngunit ng gawin itong isang siyudad na pinagtibay ng Ciudad Latina De Asia sa wikang ZamboangueƱo ay tuluyan na itong humiwalay sa nasabing probisiya. Sa kasalukuyan ang Ciudad de Zamboanga ay isa sa mga pangunahing hubs ng bansa, patunay rito ang pangunguna sa Zamboanga Peninsula Region sa pagkakaroon ng mga imprastruktura’t negosyo tulad ng commerce, trade, health services, financial institutions and education. Dito rin matatagpuan ang mga pangunahing base ng kapulisan at maging ng mga sundalo sa bansa. Masasabing maganda ang ekonomiya ng lungsod na ito sa kasalukuyan, halimbawa na lamang sa aspeto ng transportasyon na kung saan taglay ng lugar ang modern international seaport na nagsisilbing tulay para sa mga inter-island and international shipping. Mayroon din itong airport na kinikilala ring isang international airport sa bansa. Ang mga modernong pasilidad na ito ay hindi lamang tumutugon sa isang maayos na kalakalan ng lungsod at sa mga karatig lugar bagkus maghahatid din ito ng isang maginhawang paglalakbay sa mga taong nais tuklasin ang lugar. Naiiba ang uri ng pananalita ng mga taga-Zamboanga, gamit nila ang kakaibang diyalekto ng Chavacano, ito ang tawag sa magkahalong wikang Kastila at lokal na mga diyalekto. Hindi rin nawawala ang wikang tagalog, ingles at bisaya sa lugar na ito. Sinasabing ang pangunahing relihiyon dito ay binubuo ng mga katoliko (Catholics), ang iba naman ay sa paniniwalang budismo at islam.
Golf and Country Club | Zamboanga City
Bilang isa sa pinakamatandang siyudad sa buong bansa, naging matatag ang pamahalaan nito sa pamumuno ng mga alkalde ng lungsod. Sa pagdaan ng panahon naging mas maunlad pa ang naturang lungsod hindi lamang dahil sa mga modernong imprastruktura, mga negosyo, iba’t-ibang gusali kundi marahil pati na rin ang mga magagandang tanawin at makukulay na kapistahan. Ilan sa mga sikat na lugar dito ang Taluksangay village, mga dagat ng Calarian kabilang ang La Vista del Mar at Zamboanga City golf complex at Boalan, ang Pasonanca Park, ang Abong-abong kung saan matatagpuan ang Bundok Pulumbato, Plaza Pershing, Fort Pilar, Katedral Metropolitan ng Imakulada Konsepsyon, Yakan weaving village, mga Vinta, Pasio Del Mar at ang napakagandang Santa Cruz island sa mala kulay-rosas na buhangin (pinkish). Ang ilan naman sa makukulay na kapistahan dito ay ang Zamboanga Hermosa, Dia de Zamboanga at Hariraya Puasa. Hindi rin mawawala ang mga modernong pasyalan sa lugar tulad ng mga malls, restaurants, commercial complexes, recreation sites at marami pang iba. Magiging sulit ang inyong pagpunta’t pagbisita sa Zamboanga dahil sa mga lugar na ay maituturing na paraiso sa kumpleto nitong pasilidad at magagandang tanawin. Hindi na rin magiging problema ang inyong maayos na matutuluyan dahil nagkalat sa lugar ang mga serbisyo ng Zamboanga City Short Stay sa mga hotels, apartments at iba pa. Sa madaling salita wala ka ng hahapin pa kapag narating mo na ang Zamboanga City!